Kayo ay imbitado sa NATIONAL FORUM ON MIGRATION na gaganapin sa darating na Biyernes (December 18, 2020), 8:00 AM-1:00 PM sa Zoom at Facebook live!
Sa webinar na ito, malalaman ninyo ang iba’t ibang reintegration services para sa mga overseas Filipino na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Partikular dito ang mga sumusunod: repatriation efforts ng gobyerno, reintegration programs and services, business opportunities under the new normal, and skills training and services, at iba pa.
Ito ay LIBRE. Ang mga interesadong manood ay maaring i-scan ang QR code o pumunta sa https://tinyurl.com/MOF2020Registration upang mag rehistro.
Ang webinar ay mapapanood sa Zoom at Facebook live. Ngunit ang mga magrerehistro at manonood lamang gamit ang Zoom ang pagkakalooban ng Certificate of Participation pagkatapos ng webinar.
Maaring puntahan ang event page https://fb.me/e/d6AnSqJDb para sa iba pang detalye ng webinar na ito.
Magrehistro na at anyayahan ang inyong pamilya at mga kaibigan na manood!